oretatsubasade is Offline.

Friends (0) - View All Friends

    No friends yet.

Self Overview:
[JUST FIND A FILIPINO TRANSLATOR TO UNDERSTAND THIS! xD] Ako lang naman si Maria Nerissa Toledo. Wala namang espesyal sa akin. Isa lamang akong ordinaryong taong namumuhay ng isang ordinaryong buhay, kaya lang, mayroon nga lang akong extraordinaryong imahinasyon at mga pangarap na imposibleng magkatotoo. Parati lang naman akong nakangiti. Sabi nga nila, "A smile can heal all wounds." Kaya naman wala pa nakakakita sa akin na nakasimangot sa paaralan. Ngunit kung kilala niyo ako ay malalaman mo kung ano ang pahiwatig ng bawat ngiti ko. Hindi lahat ng aking mga ngiti ay nagbabatid ng masayang damdamin. Hindi ako gaanong nagpapakita ng pagkainis o galit. Kadalasan ay sa paglalaro ng darts ko ito ibinubuhos. Kung galit ako sa isang tao ay kumukuha ako ng litrato niya at inilalagay ko ito sa bull's eye ng aking dartboard upang mapagbuhusan ng sama ng loob. Marami akong kakilala, ngunit iilan lamang ang masasabi kong mga tunay kong kaibigan. Kilala na nila kung sinu-sino sila. At sana ay dumami pa ang aking mga tunay na kaibigan para masaya. Mahilig akong manood ng anime. Kahit anong genre naman ng anime ang pinapanood ko. Ngunit kadalasan sa mga nagugustuhan kong anime ay ang shonen type o yung para sa mga kalalakihan. Kahit ako mismo ay hindi ko alam kung bakit gusto ko iyon. Nanonood din naman ako ng cartoons sa Cartoon Network at Nickelodeon at sa Disney Channel din. Kadalasan ay ang mga nakakatuwang palabas ang pinapanood ko doon. Masugid din akong tagasubaybay ng Mellow Myx na isa sa mga segment ni Ms. Nikki Gil. Inaabangan ko lamang doon ang mga kantang nagpapagising sa akin. O nakakaantok. Tagahanga rin ako ni Mr. Marion Robi Domingo simula pa nang nasilayan ko ang kanyang mala-anghel na hitsura sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 2. Humahanga ako sa kanyang angking talino at talento. Sana nga ay magtagpo ang aming landas minsan para masaya. Humahanga rin nga pala ako kina Jou Kido at Katy Perry. Si Jou ay napakatalino sa bayolohiya at si Katy Perry naman ay napakaganda. Sa kabuuan, marami akong hinahangaan. Nag-aaral nga pala ako sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Caloocan. Medyo mahirap ang buhay doon, ngunit sa kabila ng lahat nito ay masaya pa rin maging isang calscian. Wala ako gaanong ginagawa dito. Isa lamang akong tagapagbigay ng balita sa aking mga kamag-aral sa paaralang ito. Gusto ko rin ng mga kanta. Pinapangarap ko ring maging isang magaling na mang-aawit, ngunit imposible ito ayon sa mga tagapakinig ng aking mahiwagang boses. Ngunit alam ko na kaya kong maging isang mang-aawit na sisikat na kasing-ningning ng bituin sa langit. Madalas ay hindi ako seryoso. Ngunit minsan ay seryoso ako. Nasa sa inyo na lamang iyan kung seseryosohin niyo ako. Iyon lamang ang aking masasabi ukol sa aking sarili. Para sa karagdagang impormasyon ay pumunta lamang kayo dito: http://www.twitter.com/oretatsubasade http://www.numbuh1017.deviantart.com O kaya ay dumaan kayo minsan sa bahay ko kung alam niyo kung paano pumunta doon. Mabuhay kayong lahat! :D

Goals:
Infinitely many... some are too impossible to be true.

Wants:
YOU. XD

Accomplishments:
Many to mention. [WAHAHA.]

Favorites:
Anime, Manga, Aswering Quizzes @ Bzionk! xD

Username:oretatsubasade (user #334551)
Interests:(6) anime, etc., friends, manga, songs, tv
Logins:2
Last Login:Friday, April 9, 2010
Created:2009-11-16 06:35:46
Status:Single
Preference:Not Sure
I smoke:Never
I drink:Never
Ethnicity:Asian
Body Type:Average
Children:No Answer
Education:In High School
Religion:Catholic
Wouldn't Mind:Friendships
Random hanging out

Throw something on oretatsubasade's Sticky!

You need to be a friend to view Activity.